Duterte sa sinasabing ouster plot: ‘Hindi nila tayo matutumba’

By Rhommel Balasbas September 21, 2018 - 01:31 AM

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi mapatutumba ng sinuman ang kanyang administrasyon.

Ito ay matapos ang kanyang pahayag kamakailan na mayroong mga bantang siya ay patayin ngayong araw kasabay ng ika-46 na taong paggunita sa martial law declaration ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Sa kanyang talumpati sa harap ng mga sundalo sa Capas, Tarlac kahapon, sinabi ni Duterte na siya ay kumpyansang hindi matutumba ang kanyang gobyerno.

Ito anya ay hanggang tapat ang militar sa Konstitusyon at sa bandila ng bansa.

“So I guarantee them that for as long as I have my Armed Forces [of the Philippines] na loyal to the Constitution and to the flag only, ako, isa lang akong beneficiaries diyan, you remain loyal to the flag, to the Constitution, hindi nila tayo matutumba. I guarantee you,” ayon sa pangulo.

Sinabi ng pangulo kamakaialan na nagsasabwatan ang mga makakaliwang grupo, Liberal Party at Magdalo group na siya ay pabagsakin sa pagitan ng Setyembre at Oktubre.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.