Bela Padilla at JC Santos magsasama sa isang teleserye

By Justinne Punsalang September 21, 2018 - 12:04 AM

Dreamscape Entertainment

Muling magtatambal sina Bela Padilla at JC Santos.

Ngunit sa pagkakataong ito ay sa telebisyon na sila mapapanood.

Sa isang Instagram post ay ibinahagi ng Dreamscape Entertainment ang litrato matapos ang kanilang isinagawang story conference para sa teleseryeng “Mea Culpa”

Maging si JC ay nagbahagi ng collage ng mga litrato ng mga gaganap sa teleserye.

Bukod sa kanilang dalawa, mapapanood din sa “Mea Culpa” sina Ayen Munji-Laurel, Janice de Belen, Ketchup Eusebio, Sandino Martin Tony Labrusca, Kit Thompson, at Ivana Alawi.

Sina Dan Villegas at Andoy Ranay ang magdidirehe ng “Mea Culpa.”

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na detalye ang Dreamscape tungkol sa teleserye, maging kung kailan ito mapapanood.

Una nang nagtambal sina Bela at JC para sa mga pelikulang “100 Tula Para Kay Stella” at “The Day After Valentines.”

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.