San Beda tinalo ang EAC sa NCAA Season 94 men’s basketball

By Justinne Punsalang September 21, 2018 - 12:00 AM

Naitala ng San Beda University Red Lions ang kanilang ika-anim na sunod na panalo sa second round para sa NCAA Season 94 men’s basketball tournament.

Ito ay matapos nilang talunin ang Emilio Aguinaldo College Generals sa kanilang naging tapatan kagabi na ginanap sa Filoil Flying V Centre.

Nagwakas ang laro sa iskor na 76-57, pabor sa Red Lions.

Dahil dito, 12-1 na ang win-loss record ng koponan at nasa ikalawang pwesto sa torneo. Habang ang Generals naman ay mayroong 2-10 record at nasa ika-11 pwesto.

Pinangunahan ni Robert Bolick ang San Beda matapos nitong makapagbigay ng 20 puntos, 10 rebounds, at limang assists. Sinundan naman siya ni Javee Mocon na mayroong 11 points.

Samantala, para sa EAC, si Hamadou Laminou ang nanguna sa pamamagitan ng kanyang 15 points at 10 rebounds.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.