Baguio Bp. Bendico, nagpahayag ng pakikiramay sa mga pamilya ng Ompong victims
Nangako ng panalangin si Baguio Bishop Victor Bendico sa lahat ng mga biktima ng Bagyong Ompong lalo na sa mga nasawi bunsod ng landslides.
Ipinahayag ni Bishop Bendico ang labis na kalungkutan sa pinsalang iniwan ng bagyo lalo na sa mga buhay na nawala bunsod nito.
Ipinarating ng obispo ang kanyang pakikiramay sa mga nagdadalamhating pamilya dahil sa malagim na trahedya.
Kasabay nito, nagpasalamat si Bendico sa lahat ng mga miyembro ng disaster response groups na tumutulong sa mga mga naapektuhang lugar ng Ompong.
Panawagan niya, kasama ang Simbahan ay ipagpatuloy ng mga ito ang pagtugon sa pangangailangan ng mga biktima hanggang sila ay makatayong muli.
Anya, bilang nagkakaisang mga mamamayan ng Baguio at Benguet, walang kahit anumang bagyo ang makakasira sa kanilang pag-asa at pananampalataya sa Diyos.
Patuloy ang ginagawang retrieval operations sa Itogon, Benguet dahil sa landslide na kumitil sa buhay ng halos 50 katao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.