4 patay sa shooting incident sa Maryland, USA

AP

Apat ang nasawi, kabilang ang babaeng suspek sa shooting incident sa Aberdeen, Maryland, USA.

Sa ngayon ay hindi pa pinapangalanan ang mga nasawi, maging ang mga sugatan sa insidente na naganap Huwebes ng umaga, oras sa Estados Unidos.

Ayon kay Harford County Sheriff Jeffrey Gahler, hindi nagpaputok ang mga otoridad nang rumespunde sila sa ulat tungkol sa naganap na pamamaril.

Dagdag pa nito, nag-iisa lamang ang gunman na matapos ang pamamaril ay agad isinugod sa ospital at nasa kritikal na kundisyon.

Ngunit makalipas ang ilang oras ay sinabi ng mga sources na nasawi na ang naturang suspek.

Sa ngayon ay hindi pa tiyak ang kabuuang bilang ng mga nasugatan dahil sa insidente.

Pagtitiyak naman ni Maryland Governor Larry Hogan na tinututukan nila ang naganap na shooting incident. Hiling nito ang dasal mula sa publiko.

Read more...