Patay sa landslide sa Naga, Cebu umakyat na sa 21

Cebu Provincial Government

Pumalo na sa 21 ang nasawi sa landslide na naganap sa Barangay Tinaan, Naga, Cebu kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Cebu Daily News, ang bilang ng nasawi ay batay sa datos ng Naga City Police ganap na alas-11:00 kagabi.

Siyam naman ang sugatan sa insidente.

Sa impormasyon mula sa Cebu Provincial Government, pansamantalang inihinto ng local government unit (LGU) responders at volunteers ang search and rescue operations.

Ito ay dahil sa zero visibility sa lugar at panganib ng malambot na lupa.

Sa kabila nito, hindi tumitigil ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Office, responders ng Naga City at ilang uniformed personnel sa operasyon.

Samantala, inihahanda na ang Badminton Covered Court ng lungsod kung saan ibuburol ang mga nasawi.

Dahil sa trahedya, suspendido ang lahat ng klase sa lahat ng antas ngayong araw sa lungsod ayon kay councilor Junjie Cruz, chairman ng committee on disaster.

Read more...