P3.4-M na halaga ng shabu na nakumpiska sa Iligan City galing sa Bilibid
Inihayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na galing sa loob ng New Bilibid Prisons ang P3.4 Million na halaga ng shabu na nakumpiska nila sa Iligan City.
Galing ang nasabing droga sa Magandia drug syndicate ayon sa PDEA.
Sinabi ni PDEA-Autonomous Region in Muslim Mindanao Dir. Juvenal Azurin na matagal na nilang iniimbestigahan ang nasabing grupo.
Isang high-profile inmate umano ang lider ng nasabing grupo na hanggang ngayon ay aktibo sa pagpapatakbo ng iligal na gawain sa loob ng Bilibid.
Ipinaliwanag rin ni Azurin na para hindi mahuli ay sa RoRo isinakay ang sasakyang may lamang droga hanggang sa umabot ito sa Mindanao.
Makikipag-ugnayan ang PDEA sa mga opisyal ng Bureau of Corrections para matunton ang sinasabing utak ng illegal drug trade sa loob ng bilangguan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.