Malacañang hindi papalag kapag sinibak ng Ombudsman si Mocha Uson
Hindi makikialam ang Malacañang sakaling iutos ng Office of the Ombudsman ang pagsibak sa pwesto kay Communications Asec. Mocha Uson.
Reaksyon ito ng palasyo makaraang magsampa ng reklamo ang ilang grupo ng persons with disability sa pinakahuling viral video ni Uson kasama ang blogger na si Drew Olivar.
Sinabi ng mga complainants na hindi dapat gawing katatawanan ang kanilang kalagayan sa pamamagitan ng paggamit ng maling sign language.
Bagama’t humingi na ng paumanhin sina Uson at Bolivar ay itinuloy pa rin ang reklamong isinampa laban sa kanila.
Ito na ang ikatlong kaso sa Ombudsman ni Uson na naunang nang inireklamo ni Sen. Antonio Trillanes IV at Akbayan dahil sa pagpapakalat ng fake news.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na dapat hintayin ang magiging tugon ng Ombudsman sa reklamo at kung anuman ang maging desisyon nito ay kaagad silang tatalima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.