Hatol ng IPT sa pangulo, walang kwenta ayon sa Malacañang

By Den Macaranas September 20, 2018 - 04:40 PM

Minaliit ng Malacañang ang naging hatol ng International People’s Tribunal (IPT) na nagsasabing guilty si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kaso ng human rights violation.

Ikinatwiran ng Malacañang na bogus ang desisyon na galing sa isang grupo na nagtutulak ng leftist propaganda.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na walang official sanction ang nasabing grupo na gumawa lamang ng dalawang araw na pagdinig sa mga reklamong inihain laban sa pangulo.

Binigyang-diin pa ng opisyal na hindi dapat sayangin ang panahon sa IPT.

Dagdag pa ni Roque, “They appear to be a propaganda body of the international left, and therefore we set it aside as being a useless piece of propaganda against the government.”

Ang IPT ay binubuo ng  European Association of Lawyers for Democracy and World Human Rights, Haldane Society of Socialist Lawyers, International Association of Democratic Lawyers, IBON International at ng International Coalition for Human Rights in the Philippines.

Kung lalaliman ang pang-unawa, sinabi ni Roque na ang nasabing mga grupo ay kabilang sa malaking network ng mga maka-kaliwang grupo.

Sadya umanong ginawa ang hatol laban sa pamahalaan ng Pilipinas alinsunod sa gagawing malaking kilos protesta bukas kaugnay sa 46th anniversary ng martial law declaration noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Nauna dito ay sinabi ng Philippine National Police na namonitor nila ang balak ng New People’s Army na maglunsad ng mga pagkilos laban sa pamahalaan.

Sinabi ni Roque na malinaw na aktibo ngayon ang mga militanteng grupo dahil sa kanilang misyon na ibagsak ang kasalukuyang administrasyon.

TAGS: duterte, Human Rights, international people's tribunal, Martial Law, NPA, Rally, Roque, duterte, Human Rights, international people's tribunal, Martial Law, NPA, Rally, Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.