Mga opisyal ng Bureau of Customs muling isasalang sa lifestyle check

By Ricky Brozas September 20, 2018 - 03:34 PM

Muling iginiit ni Customs Commissioner Isidro Lapeña  ang kanyang direktiba sa lahat ng mga opisyal at empleyado ng ahensiya na magsasagawa sila ng lifestyle check sa mga officials at personnel ng BOC.

Ito ay alinsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sawatain ang mga kurapsyon sa kanyang administration.

Nauna dito ay sumulat kay Lapeña ang isang grupo kung saan hinihikayat nila ang ospiayal na tingnan ang kayamanan nina Jimmy Guban ng Customs Intelligence Office na naimbestigahan sa P6.8 Billion shabu shipment sa Senado.

Gusto ring paimbestigahan ng grupo na hindi na pinangalanan ni Lapeña si Atty. Lourdes Mangaoang na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport.

Ang nasabing ospisyal ay iniuugnay rin sa pagpasok ng iligal na droga sa bansa.

Base anila sa Facebook accounts nina Guban at Mangaoang, ang naturang mga officials ay mayroong mga luxury cars, at malalaking bahay at madalas mag- travel kasama ang kanilang mga kamag-anak at kaibigan sa ibang bansa.

Paliwanag ni Lapeña hindi nito kukunsintihin ang sinumang opisyal at personnel ng BOC na mapapatunayang nagmamalabis sa kanilang mga kayamanan na nakuha sa ilegal na gawain.

TAGS: BOC, drugs, jimmy guban, lapeña, Senate, shabu shipment, BOC, drugs, jimmy guban, lapeña, Senate, shabu shipment

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.