Pagbebenta ng NFA rice sa mga supermarket iginiit ng DTI

By Den Macaranas September 20, 2018 - 02:57 PM

Inquirer file photo

Hindi sang-ayon ang National Food Authority  (NFA) sa panukala ng Department of Trade and Industry na hikayatin ang mga supermarkets na magbenta ng murang bigas ng NFA.

Ipinaliwanag ni NFA Spokesman Rex Estoperez na mga pambublikong pamilihan ang siyang dapat na maging prayoridad sa bentahan ng murang bigas.

Sa mga palengke pumupunta ang mga ordinaryong mamamayan na bumibili ng NFA rice ayon pa sa opisyal.

Nilinaw naman ni Trade Sec. Ramon Lopez na ang kanilang kasunduan ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association ay para sa mga “accessible” na supermarket lamang at hindi kasama dito ang mga high-end na pamilihan.

Ikinatwiran ni Lopez na mas mabuting mas maraming access ang publiko sa murang bigas dahil ito naman ang target ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakapaloob rin sa kasunduan na limitado lamang sa apat na kilo ng NFA rice ang pwedeng bilhin ng isang customer.

Samantala, sinabi naman ni Agriculture Sec. Manny Piñol na malinaw na may nagtatago ng supply ng bigas sa merkado.

Ipinanukala na niya sa pangulo na ang NFA na muna ang mag-import ng bigas at ibebenta ito sa merkado sa halagang P32 kada kilo.

 

Ito ang kanyang nakikitang paraan para ilabas ng ilang rice hoarders ang mga itinatago nilang bigas sa kanilang mga bodega ayon pa kay Piñol.

TAGS: BUsiness, dti, estoperez, lopez, nfa, pinol, rice, supermarket, traders, BUsiness, dti, estoperez, lopez, nfa, pinol, rice, supermarket, traders

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.