Thunderstorm advisory itinaas ng PAGASA sa Metro Manila, mga kalapit na lalawigan

Itinaas ng PAGASA ang thunderstorm advisory sa Metro Manila, Pampanga, Batangas, at Cavite.

Inilabas ang abiso alas 12:45 ng tanghali at mula sa nasabing oras hanggang sa susunod na dalawang oras ay posibleng makaranas ng malakas na pag-ulan sa nabanggit na mga lugar.

Sinabi ring ng PAGASA na inuulan na rin ang mga bayan ng Sta. Cruz, Masinloc, Candelaria at Palauig sa Zambales; Malolos, Guiguinto, Paombong, Balagtas, Bocaue, at Bulakan sa Bulacan; Ranay at Antipolo sa Rizal; San Pablo City at Calauan Bay sa Laguna at Tagkawayan, Calauag, Pitogo, Unisan, at Gumaca sa Quezon.

Ang nararanasang pag-ulan ay tatagal sa loob ng dalawang oras mula nang ilabas ang abiso.

Pinag-iingat ang mga residente sa pagbaha na maari nilang maranasan.

Read more...