27 na ang nakukuhang bangkay sa landslide sa Itogon; 45 pa ang hinahanap

By Erwin Aguilon September 20, 2018 - 12:17 PM

Kuha ni Erwin Aguilon

Umabot na sa 27 ang nahukay na bangkay sa landslide na naganap sa Itogon, Benguet.

Ito ay makaraang may makuha pang apat na bangkay, Huwebes, Sept. 20 ng umaga.

Isa pa lamang sa apat ang nakilala habang hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng tatlong iba pa.

Sa ngayon nananatiling 45 pa ang pinaghahanap ng mga otoridad sa lugar na pinangyarihan ng landslide.

TAGS: Itogon Benguet, landslide, Ompong, Radyo Inquirer, Itogon Benguet, landslide, Ompong, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.