LOOK: Eroplano ng Cathay Pacific ibinalik sa gawaan dahil sa maling spelling

By Dona Dominguez-Cargullo September 20, 2018 - 12:00 PM

Inilabas ng Cathay Pacific sa kanilang Twitter account ang larawan ng kanilang eroplano na mali ang spelling ng pagkakasulat ng pangalan ng airline.

Sa halip na Cathay Pacific ay “CATHAY PACIIC” ang nakasulat sa Boeing 777-367.

Ang larawan ng eroplano ay kinuhanan habang ito ay nasa Hong Kong International Airport.

Unang lumabas ang larawan sa Facebook group ng Hong Kong Aviation Discussion Board.

Sa halip na itago o ilihim ang pagkakamali ay ipinost pa ng Cathay ang larawan ng eroplano sa kanilang sariling Twitter account.

Sinabi rin ng Cathay na ibabalik sa shop ang eroplano para maiayos ang pagkakamali.

TAGS: cathay pacific, Radyo Inquirer, wrong spelling, cathay pacific, Radyo Inquirer, wrong spelling

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.