Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang bayan ng Sarangani sa lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 300 kilometers South ng Sarangani, 10:36 umaga ng Huwebes, September 20.

May lalim na 97 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...