C/Insp. Jovie Espenido, 2 iba pa pinakakasuhan ng homicide ng DOJ

By Ricky Brozas September 20, 2018 - 11:21 AM

Inquirer File Photo

Nakitaan ng probable cause ng Department of Justice (DOJ) para kasuhan si Ozamis City Police Chief Insp. Jovie Espinido at mga tauhan nito sa insidente ng pamamaril noong 2017.

Iniutos na ng DOJ panel of prosecutors na kasuhan sa korte ng anim na bilang na homicide sina Ozamis City Police Chief Inspector Jovie Espinido at ang mga tauhan nito kaugnay ng naganap na pagkamatay ng ilang residente ng Ozamis City matapos insidente ng pamamaril sa isang birthday party noong nakaraang taon.

Sa 10-pahinang resolusyon ng lupon ng piskalya na aprubado ni Acting Prosecutor General Richard Anthony Fadullon, nakitaan ng sapat na batayan ang reklamo para sampahan ng kasong homicide sa korte sina Espenido, PCI Glyndo Pujanes, SPO4 Renator Martir Jr., PO1 Sandra Nadayag at iba pang John Does.

Nauna nang nagsampa ng reklamo sa DOJ Ang isang Carmelita Manzano, matapos mapatay ng Ozamis PNP sa pangunguna ni Espenido ang mga hinihinalang suspek na sina Francisco Manzano, Jerry Manzano, Victorino Mira Jr., Romeo Libatan, at Alvin Lapeña na noo’y nasa isang birthday party noong June 1, 2017.

Nanindigan noon si Espenido na ang pagkamatay ng grupo ni Manzano ay bunga ng isang lehigimong follow-up operation laban sa isang robbery group.

Matapos ang sinasabing engkwentro inilatag pa ng Ozamis PNP sa kalsada ang bangkay ng grupo ni Manzano.

Samantala, ibinasura naman ng DOJ panel ang reklamong murder at arbitraty detention laban kina Espenido.

TAGS: DOJ, homicide, Jovie Espenido, Radyo Inquirer, DOJ, homicide, Jovie Espenido, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.