Ito ay makaraang ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik sa DA ang pangangasiwa sa NFA.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Piñol, mahalagang manatili muna sa pwesto si Aquino para sa maayos na transition bago siya tuluyang mapalitan sa pwesto.
“It is still Jason Aquino until such time the president has appointed new administrator. Ang ating gagawin kasi dito, pinapa-recall ko muna ang leave ni Jason, because we need to work on this, I would like to bring him back until such time that he is replaced by the president. Siya naman kasi ang nagsabi sa presidente na bibitaw na siya. Sabi ko nga sa kaniya, you have to participate in the transition hindi pwedeng basta bitawan mo ito ng walang transition. So if it’s Gen. Rolly Bautista will take over, there will have to be a transition period para pagsalo ni Gen. Bautista ay smooth ang transition. I would have to tell him that I am cancelling his leave, he will have to work, it is an opportunity for him to redeem himself,” ani Piñol.
Kabilang sa mga paunang marching orders ni Piñol sa NFA ay tiyaking hindi kakapusin sa suplay ng bigas ang mga lalawigan na labis na nasalanta ng bagyo.
Utos kasi aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte na tiyaking huwag maubusan ng bigas ang mga nasalanta ng bagyo lalo pa at aabutin pa ng 3 hanggang 4 na buwan bago sila makabangon.
“I have already summoned the administrator of NFA, pag-uusapan namin ang instructions ng pangulo. Sabi kasi ng pangulo na dapat yung mga probinsya na tinamaan ng Typhoon Ompong ay hindi maubusan ng bigas. Nakadapa ang kanilang pananamin at it will take about 3 or 4 months bago sila maka-recover, so ginawa na namin ang computation kung gaano karami ang NFA rice na kailangang ipadala sa mga probinsyang ito. I will have to direct NFA administrator na bigyan na ng suplay ang mga lalawigang ito para hindi magkaproblema ang mga tao,” dagdag pa ni Piñol.