Lalaki arestado sa pag-aamok sa Maynila

By Ricky Brozas September 20, 2018 - 09:17 AM

Kalaboso ang isang lalaking hinihinalaang gumagamit ng ilegal na droga matapos na magwala at maghamon ng barilan sa Plaza Cervantes, Juan Luna St., Binondo Manila.

Nakilala ang suspek na si Sarip Amanodin, 27 anyos at, residente ng Brgy 383, Arlegui St., Quiapo Manila.

Ayon kay MPD Spokesman P/Supt Carlo Manuel nagsasagawa ng pagpapatrolya ang mga operatiba ng MPD Station 11 nang bigla lumapit sa mga pulis ang isang concerned citizen at inireport ang lalaking nagwawala at naghahamon ng barilan.

Pagdating sa lugar kung saan nagwawala ang suspek agad na dinampot ng mga pulis si Amanodin kung saan nakuhanan siya ng improvised shotgun o sumpak.

Paglabag sa RA 10591 o Unlawful Possessin of Firearms and Ammunition ang isinampa ng MPD laban sa lalaking nagwala.

TAGS: manila, metro, Radyo Inquirer, manila, metro, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.