Michael Jordan nagbigay ng $2M halaga ng tulong sa mga nasalanta ng Hurricane Florence

Nagbigay ng $2 milyon na halaga ng tulong si Michael Jordan sa mga nasalanta ng Hurricane Florence sa North Carolina.

Si Jordan ay tubong Wilmington, North Carolina at ngayon ay owner ng Charlotte Bobcats sa NBA.

Ayon kay Jordan itinuturing niyang tahanan ang Wilmington.

Labis umano siyang nalungkot nang mabalitaan na may mga nasawi sa nasabing bayan dahil sa bagyo.

Ang donasyon ni Jordan ay mapupunta sa American Red Cross at sa Foundation For The Carolinas’ Hurricane Florence Response Fund.

Read more...