Nag-abiso ang kumpanyang Petron sa Department of Energy o DOE ng price-hike sa produktong liquefied petroleum gas o LPG.
Epektibo alas-sais ng umaga bukas (November 2), may dagdag-presyo na P2.95 sa bawat kilo ng LPG.
Katumbas ito ng mahigit P32.00 sa kada 11-kilogram na tangke ng LPG.
Aabot naman sa P1.65 ang itataas sa presyo ng Auto-LPG.
Samantala, mayroon ding aasahang price increase sa ilang produktong petrolyo.
Batay sa sources mula sa oil industry, nasa P0.15 hanggang P0.25 ang dagdag sa halaga ng bawat litro ng gasolina; wala o hanggang P0.05 sa kada litro ng diesel; at wala o hangang P0.10 sa bawat litro ng kerosene.
MOST READ
LATEST STORIES