PUBLIC SERVICE: Water service interruption ng Manila Water ngayong araw Sept. 20

By Dona Dominguez-Cargullo September 20, 2018 - 07:53 AM

Mawawalan ng suplay ng tubig ngayong araw ang ilang lugar na sinenersbisyuhan ng Manila Water sa Makati at Maynila.

Sa abiso ng Manila Water, mula alas 10:00 ng gabi ng Huwebes (Sept. 20) hanggang alas 6:00 ng umaga ng Biyernes (Sept. 21), ay mawawalan ng suplay ng tubig ang bahagi ng Cardona kanto ng JP Rizal sa Barangay Valenzuela sa Makati City.

Parehong oras din ang water interruption ang nakatakda sa Aranda kanto ng Tirad Streets sa Barangay Singkamas.

Samantala, mula alas 11:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng umaga ay mawawalan naman ng suplay ang bahagi ng Sta. Ana, Maynila.

Kabilang sa mga maaapektuhang barangay ay ang Barangay 800, at Barangays 808 hanggang 813.

TAGS: manila water, Radyo Inquirer, water interruption, manila water, Radyo Inquirer, water interruption

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.