P1.2M na halaga ng shabu nasabat sa drug suspect sa Cebu

Arestado ang isang drug suspect sa Alegria, Cebu matapos ang ikinasang joint operation ng mga tauhan ng provincial drug enforcement unit, provincial intelligence branch at Alegria police station sa Cebu.

Kinilala ang suspek na si Francisco Ocaña, 46 anyos na naaresto sa Sitio Taboan, Barangay Madredijos.

Ikinasa ang operasyon sa bahay ng suspek sa bisa ng search warrant na inilabas ni Judge Leopoldo Cañete ng Banili RTC branch 60.

Nakumpiska sa suspek ang 110 na gramo ng shabu, mga gamit sa pag-repack ng ilegal na droga, at mga bala para sa caliber 22 magnum na baril.

Tinatayang aabot sa P1,298,000 ang halaga ng shabu na nakuha sa suspek.

Read more...