Ads sa Singapore na nagbebenta ng Indonesian maids umaani ng batikos
Umaani ngayon ng batikos ang online ads sa Singapore na nag-aalok ng “Indonesian maids for sale”.
Ang Singapore ay mayroong 250,000 na kasambahay na karamihan ay pawang Indonesians at ang iba ay mula sa Pilipinas.
Sa online ads na inilabas sa marketplace na “Carousell” nag-post ang mayroong username na “maid.recruitment” kung saan nag-aalok ito ng serbisyo ng Indonesian maids, may presyo sa ibaba ng kanilang pangalan at ang iba may nakasulat pa na SOLD na o nabenta na.
Matapos ulanin ng batikos ay inalis na ang naturang ads sa e-commerce site.
Sa pahayag ng Indonesian NGO Migrant Care, mariin nilang kinondena ang advertisement at hiniling na mapatawan ng parusa ang mga nasa likod nito.
Tinawag din nilang “unjust and demeaning” sa dignidad ng mga migrante ang naturang aksyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.