Pinay sa Hong Kong naoperahan na matapos masugatan sa pananalasa ng TY Mangkhut

By Dona Dominguez-Cargullo September 20, 2018 - 06:46 AM

AP

Patuloy na binabantayan ng Konsulada ng Pilipinas sa Hong Kong ang kondisyon ng isang Pinay na isinailalim sa operasyon matapos masugatan sa kasagsagan ng pananalasa doon ng Typhoon Mangkhut.

Ayon kay Consul General Antonio Morales, sumailalim sa operasyon sa braso at binti ang babae matapos siyang tamaan ng tumilapon na debris.

Turista sa Hong Kong ang nasabing Pinay at ngayon ay nananatili pa sa ospital matapos ang operasyon.

Tiniyak naman ni Morales na nabibigyan ng sapat na tulong ang Pinay at patuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa mga kasama nitong bumiyahe.

Ani Morales, kabilang ang Pinay sa 32-member tourist delegation na na-rescue matapos ma-stranded sa sinasakyan nilang bus na magdadala sana sa kanila sa airport pauwi ng Pilipinas.

Ni-rescue ang mga sakay ng bus matapos na mawasak ng malakas na hangin dulot ng bagyo ang windshield ng bus.

TAGS: DFA, Filipina Tourist, Hong Kong, Mangkhut, Radyo Inquirer, DFA, Filipina Tourist, Hong Kong, Mangkhut, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.