P3.4M na halaga ng shabu nasabat sa board member ng Lanao Del Sur, 3 iba pa arestado

By Dona Dominguez-Cargullo, Jan Escosio September 20, 2018 - 06:32 AM

PHOTO: PDEA REGION 10

Arestado ang isang provincial board member at tatlong iba pa sa ikinasang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Unit (PDEA) sa Iligan City.

Nadakip sa operasyon si Hussien Magandia, kasalukuyang board member sa Lanao Del Sur, misis niyang si Norhainah Magandia, Aktar Magandia alyas Bigboy at dating kapitan ng barangay, at si Amienquialed Dimal na incumbent City Councilor naman ng Marawi.

Ikinasa ang operasyon laban sa mga suspek sa kanilang tahanan sa Barangay Tubod, Iligan City sa bisa ng searcg warrant na inilabas ng Kabakan, Cotabato RTC Branch 16.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 500 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P3.4 million.

Nakuha din sa kanila ang 1 caliber 357 revolver, mga drug paraphernalia at mga financial documents.

Ayon kay PDEA Region 10 Regional Director Wilkins Villanueva, si Hussien ay miyembro ng Iwaram Drug Group na nag-ooperate sa Marawi, Lanao Del Sur at Lanao Del Norte.

TAGS: Iligan City, Lanao Del Sur, PDEA operation, provincial news, Radyo Inquirer, War on drugs, Iligan City, Lanao Del Sur, PDEA operation, provincial news, Radyo Inquirer, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.