3 miyembro ng pamilya, 1 pang suspek arestado sa pagtutulak ng droga sa Taguig

By Dona Dominguez-Cargullo September 20, 2018 - 06:26 AM

Arestado ang tatlong miyembro ng isang pamilya at isa pang kasabwat nila dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga sa barangay Ibayo-Tipas, Taguig City.

Kabilang sa nadakip ang padre de pamilya, kaniyang anak, manugang at ang kanilang runner.

Nakumpiska sa apat ang walong gramo ng hinihinalang shabu na ang halaga ay aabot sa P54,000.

Ayon kay Supt. Alexander Santos, hepe ng Taguig City police, ikinasa ang operasyon laban sa mga suspek matapos silang makatanggap ng impormasyon na sangkot ang pamilya sa pagtutulak ng ilegal na droga.

Ginagamit umano ng pamilya ang kanilang sari-sari store bilang front sa ilegal na gawain.

TAGS: Illegal Drugs, Radyo Inquirer, Taguig City, Illegal Drugs, Radyo Inquirer, Taguig City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.