Paghahanap sa mga nawawala pang natabunan ng landslide tuloy-tuloy

By Erwin Aguilon September 19, 2018 - 11:58 PM

Kuha ni Erwin Aguilon

Apat na araw na matapos ang naganap na landslide sa isang abandonadong minahan sa Barangay Ucab, Itogon, Benguet ay nagpapatuloy pa rin ang paghahanap sa mga natabunan.

Tulong-tulong ang mga rescuer mula sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalan kabilang na ang Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Coast Guard (PCG), at Philippine Army.

Ang mga mining companies ay nagpadala rin ng kanilang mga rescue teams.

Ayon kay Senior Superintendent Lyndon Mencio, PNP provincial director ng Benguet, nasa 800 ng mga rescuer ang nagtutulong-tulong mahanap ang mga nawawala.

Sinabi ni Mencio na inaasahang madaragdagan pa ang nasabing bilang dahil may mga nagpasabi pa na mga rescuer ang darating.

Si Gina Cakayan inabutan naman sa command post at naghihintay ng balita sa kanyang nawawalang kapatid na si Johnny Huklap na isa rin sa minerong natabunan ng lupa.

Sa ngayon, 19 na ang natagpuang patay at 54 naman ang pinaghahanap.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.