Dapat na idineklarang holiday ang Nov. 2 ayon sa isang Catholic Bishop

November 01, 2015 - 07:09 PM

 

bishop quevedo
Inquirer file photo

Mali raw ang hindi pagdedeklara ng gobyerno sa November 2 o All Soul’s Day bilang isang holiday, ayon sa isang mataas na opisyal ng simbahang Katolika sa Pilipinas.

Ayon kay Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo, kung tutuusin ay mas tama na ginugunita ang mga namayapa tuwing November 2, sa halip na November 1.

Bukod dito, sinabi ni Quevedo na tuwing November 1 ang panahon ng pag-uwi sa mga lalawigan ng publiko, at ang aktwal na paggunita sa mga yumao ay sa November 2, habang maaari nang magluwasan sa November 3.

Nauna nang idineklara ng Malakanyang ang November 1 bilang non-working holiday, habang ang November 2 ay regular working day.

Hinimok naman ni Quevedo ang mga pari sa buong bansa na ipaalala ito sa mga Katoliko, lalo’t karamihan sa mga tao ay nakasanayan nang gunitain ang araw ng mga namapaya sa November 1.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.