Pangulong Duterte binuweltahan si ex-COA Commissioner Heidi Mendoza

By Len Montaño September 20, 2018 - 12:41 AM

Binuweltahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Commission on Audit (COA) Commissioner Heidi Mendoza na pumalag sa kanyang pahayag na wala siyang pakialam sa ahensya.

Sa talumpati sa harap ng mga opisyal ng barangay sa Malacañan, kinuwestyon ng pangulo kung paano mananagot ang mga opsiyal ng gobyerno sa paglabag sa COA circulars na anyay hindi naman batas.

Ayon kay Duterte, hindi siya masesermunan ni Mendoza dahil nauna siya rito ng ilang milya.

Handa ang pangulo na managot sakaling kwestyunin ng COA ang gastos ng gobyerno sa agarang tulong sa mga tinamaan ng bagyong Ompong.

Una rito sa briefing sa Ilocos Norte ay sinabi ni Governor Imee Marcos na hindi pinapayagan ng COA ang cash advance para sa pagbili ng mga gamit na ibibigay sa mga biktima ng bagyo.

Pero hinimok ni Duterte ang mga lokal na opisyal na suwayin ang anyay stupid na COA circulars at sinabi pa nitong dapat ilaglag sa hagdan ang empelyado ng ahensya, bagay na sinagot ni Mendoza na ang COA ay kagalang-galang na institusyon at ang mga tauhan nito ay nagbuwis ng buhay para protektahan ang kaban ng bayan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.