Asec Uson at Drew Olivar kinasuhan ng Philippine Federation of the Deaf

By Len Montaño September 20, 2018 - 12:00 AM

Mocha Uson Blog Facebook

Sinampahan na ng kaso ng Philippine Federation of the Deaf si Communications Assistant Secretary Mocha Uson at blogger na si Drew Olivar kaugnay ng kontrobersyal na video nito na lumalapastangan umano sa sign language.

Kinumpirma ito ng Commission on Human Rights (CHR)

Kaugnay ito ng paglabag sa Magna Carta for PWDs partikular ang pang iinsulto sa mga PWDs.

Una rito, sinabi ng CHR na pina-imbestigahan na nila sa kanilang Metro Manila office ang nasabing insidente bilang bahagi ng kanilang mandato na pagbibigay ng proteksyon sa vulnerable sector.

Sinabi din ng CHR na bagaman welcome sa kanila ang apology nina Uson at Olivar, dapat pa rin itong panagutin para maitama ang pagkakamali.

Ayon sa batas, ang mga mapapatunayan sa pang-iinsulto sa mga PWD ay may katumbas na kaparusahan na multa at pagkabilanggo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.