Mga lumang jeep dapat nang matanggal sa taong 2020 — DOTr

By Len Montaño September 20, 2018 - 01:59 AM

Nais ng Department of Transportation (DOTr) na mawala na sa lansangan ang nasa 170,000 na mga jeepneys sa taong 2020.

Dahil dito ay mapipilitan na umano ang mga may-ari ng jeep na ibenta ang mga luma nilang units kapalit ng P20,000 hanggang P30,000 bilang bahagi ng modernization program ng gobyerno.

Ayon kay Mark de Leon, Transportation Assistant Secretary for Road Transport and Infrastracture, kailangan nang tanggalin ang 170,000 na jeepney units sa 2020.

Tatanggap aniya ang jeepney owners ng P80,000 subsidy para gawing moderno ang kanilang sasakyan.

Katwiran ng opisyal, sa ibibigay na halaga ng pamahalaan ay hindi na lumang unit ang dapat na bumibyahe sa nasabing taon.

Magkakaroon aniya ang DOTr ng accredited companies na hahawak sa mga lumang jeep.

Dagdag ni De Leon, walang magagawa o mapipilitan ang jeepney operators na dalhin sa junk shop o scrap companies ang luma nilang unit dahil tuloy na tuloy na ang modernisasyon ng tinaguriang hari ng kalsada.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.