Bad joke niya tungkol sa mga mayor, dinepensahan ni Pangulong Duterte

By Len Montaño September 20, 2018 - 12:58 AM

Dumipensa si Pangulong Rodrigo Duterte sa bad joke niya noong Hunyo nang sabihan niya ang mga vice mayor na palitan ang kanilang mga mayor sa pamamagitan ng pagdukot o pagkulam sa kanila.

Sa kanyang talumpati sa Malacañan sa harap ng mga opisyal ng barangay, sinabi ng pangulo na ang kanyang biro ay sumasalamin sa katotohanan sa pulitika kung saan nagiging madugo ang rivalry.

Paliwanag ni Duterte, walang humor sa buhay ang mga bumatikos sa kanya.

Pero sa totoo lang aniya, kapag patay na ang mayor ay bakante na ang pwesto nito at papalit ang vice mayor.

Gayunman, iginiit ng pangulo na isa itong bad joke pero ito aniya ang realidad ng pulitika.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.