TV network pinagsusumite ng kopya ng 2011 report tungkol sa amnestiya ni Trillanes

Inutusan ng Makati City Regional Trial Court (RTC) Branch 150 ang GMA Network na magbigay ng kopya ng kanilang 2011 news report tungkol sa paghahain ng amnestiya ni Sen. Antonio Trillanes.

Sa kautusang inilabas ni Judge Elmo Alameda, pinagsusumite nito ang GMA Network ng authenticated copy ng kanilang ulat na pinamagatang ‘Trillanes avails amnesty, admits breaking rules.’

Hiniling ito ng prosekusyon sa korte bilang bahagi ng kanilang ebidensya sa mosyon na maglabas ng arrest warrant laban sa senador.

Nailathala ang nasabing artikulo noong January 5, 2011 kung saan nakasaad na inaamin ni Trillanes na lumabag siya at ang ibang sundalong Magdalo sa ilang batas pero hindi sa mutiny at kudeta na ipinaparatang sa kanila ng hukuman at court martial.

Pinabibigyan din ng korte ng kopya ng report ang Office of the Prosecutor General ng DOJ.

Read more...