Hitsura ng suspek sa pagpapasabog sa GenSan inilabas na ng pulisya

By Len Montaño September 20, 2018 - 12:00 AM

Inilabas ng pulisya ang computerized facial composite ng suspek sa pagpapasabog sa General Santos City na ikinasugat ng 7 katao.

Ayon sa Regional Crime Laboratory ng Police Regional Office 12, ang wala pang pagkakilanlan na lalaking suspek ay kayumanggi, katamtaman ang pangagatawan, kulot ang buhok, nasa pagitan ng 30 at 40 anyos at tinatayang 5’5 hanggang 5’6 ang taas.

Ayon sa pulisya, ang lalaki ay huling nakitang nakasuot ng pulang sweatshirt at pulang cargo pants.

May kasama itong 1 pang lalaki na naka itim na bonnet, itim na sweatshirt at itim na pantalon.

Ang pagsabog sa lying-in center sa Purok Malipayon, National Highway sa Barangay Apopong ay pangatlong insidente na sa Socsargen region kasunod ng magkahiwalay na pagsabog sa Isulan, Sultan Kudarat.

Ang mga pinakahuling pagsabog sa lugar ay mula sa improvised explosive device (IED).

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.