P52B sa 2019 national budget gagamitin para sa Ompong rehab

By Len Montaño September 20, 2018 - 12:53 AM

Gagamitin ang bahagi ng P52 billion, na sinasabing pork barrel funds na isiningit umano sa 2019 national budget, sa rehabilitasyon ng mga lugar na sinalanta ng Bagyong Ompong.

Ayon kay House Majority Leader Rolando Andaya Jr., irerelocate ang naturang pondo para matulungan ang mga lugar na binagyo.

Una rito ay pinagbotohan ng mga kongresista na baguhin ang committee report matapos makita na ang P52 billion sa ilalim ng DPWH budget ay pwedeng gamiting discretionary funds dahil hindi ito inilaan sa partikular na proyekto.

Sa ngayon ay wala pang pinal na halaga kung magkano ang ilalaan sa Ompong rehabilitation.

Sinabi pa ng Kamara na ang ibang bahagi ng kontrobersyal na pondo ay irere-align din sa mga health at education projects.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.