Pangulong Duterte kailangan ng pera para masolusyonan ang problema sa trapiko sa EDSA

By Rhommel Balasbas September 20, 2018 - 12:50 AM

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya mareresolba ang problema sa trapiko sa EDSA sa pamamagitan lamang ng salita.

Sa kanyang talumpati sa oath-taking ng Liga ng mga Baranggay (LNB) National Board of Officers and National Chapter Presidents sa Malacañang, sinabi ng pangulo na kailangan niya ng emergency powers para masolusyunan ang problemang ito.

Anya, kung hindi ibibigay ng Kongreso ang hinihingi niyang emergency powers, ay hayaan na lang na magpatuloy ang problema sa EDSA sa susunod pang 20 taon.

Sa pamamagitan anya ng emergency powers ay mabibili ang mga bagay nang hindi na kailangan ng bidding tulad sa panahon nina dating Pangulong Ferdinand Marcos at Cory Aquino.

Kailangan niya anya ng pera para ipanggastos nang maresolba ang problema sa trapiko.

Isa ang problema sa trapiko sa mga campaign promises ng pangulo.

Gayunman, ayon sa pangulo, kung palaging may hinala ang Kongreso na mapupunta lamang ang pera sa korapsyon sakaling ibigay ang emergency powers ay hindi bale na lamang na walang magawa sa problema sa EDSA.

“Sabi ko, it’s okay. I don’t need it (emergency powers for Edsa). Let Edsa remain as it is for the next 20 years. Don’t bother… there’s always that hanging suspicion that I am there for the money. Huwag na lang. Hayaan mo wala tayong magawa,” ayon sa pangulo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.