Lauro Vizconde di nakalimot na dalawin ang puntod ng kanyang mag-iina

 

Sa kabila ng edad at hina ng katawan, nakadalaw pa rin si Mang Lauro Vizconde sa puntod ng kanyang mag-ina sa Holy Cross Memorial Park sa Novaliches, Quezon City.

Ayon kay Marlene Nono, family friend ng mga Vizconde, nagpalipas ng dalawang gabi si Mang Lauro sa puntod ng kanyang asawang si Estrellita at dalawang anak na sina Carmela at Jennifer, na minasaker noong June 30, 1991.

Gayunman, kaninang madaling araw ay isinugod sa ospital si Mang Lauro makaraang manlata at sumpungin ng matinding ubo.

Tumanggi naman si Mang Lauro na magpa-confine, at mas piniling umuwi na lamang ng kanyang tahahan. Matatandang si Estrellita ay nagtamo ng labingtatlong saksak, si Carmela ay ginahasa na pinagsasaksak pa ng labing pitong beses, at ang batang si Jennifer ay mayroong labing siyam na saksak sa katawan.

Ang pangunahing nasintensiyahan sa Vizconde Massacre, na ininuturing na isa sa ‘most sensational cases’ sa Pilipinas, ay ang anak ni dating Senador Freddie Webb na si Hubert Webb, pero nakalaya rin matapos ang ilang taong pagkakakulong sa Bilibid.

Kamakailan lamang ay naghain ng certificate of candidacy si Hubert Webb para tumakbo konsehal sa Paranaque sa darating na 2016 Elections.

Read more...