Binatilyo nalunod sa isang ilog sa Pangasinan

By Justinne Punsalang September 20, 2018 - 12:04 AM

Natagpuang palutang-lutang ang bangkay ng isang binatilyo sa binahang palayan sa Barangay San Gabriel 2 sa Bayambang, Pangasinan.

Kinilala ang nalunod na binatilyo na si Jomar Maglaya Pascua, 15 taong gulang at isang mag-aaral na nasa Grade 10 na.

Mismong ang ama ng biktima ang kumilala sa naagnas nang bangkay ng binatilyo.

Nabatid na noon pang September 16 nawawala si Pascua matapos itong lumangoy kasama ang isang kaibigan sa Tinugen River sa bayan ng Rosales.

Ang bangkay ng binatilyo ay natagpuan sa binahang palayan malapit sa Agno River sa Bayambang na dalawang bayan ang layo mula sa Rosales.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.