NPA inako ang pagsunog sa mga backhoe sa Negros Oriental

Inako ng New People’s Army (NPA) ang pagsunog sa mga heavy equipment sa Barangay Cawitan sa bayan ng Santa Catalina, Negros Oriental.

Sa isang pahayag ni Estrella Banagbanag, tagapagsalita ng Rachalle Mae Palang Command (RMPC), sinabi na isa sa kanilang unit ang sumunog ng dalawang backhoe at isang payloader na pag-aari ng isang quarry operator na H.N.

Ayon kay Banagbanag, dahil sa isinasagawang dredging sa Cawitan River ng quarry operator sa nakalipas na 21 taon ay mayroon nang mga nasawi.

Inirereklamo rin umano ng mga residente ang operasyon ng naturang operator.

Maging ang mga magsasaka ay naaapektuhan na rin umano ng operasyon ng H.N.

Read more...