NFA, PCA at FPA ibinalik na sa Department of Agriculture

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang executive order na nagbabalik sa National Food Authority (NFA), Philippine Coconut Authority (PCA) at Fertilizers and Pesticides Authority (FPA) sa pangangasiwa ng Department of Agriculture.

Ito ang inanunsyo ni Agriculture Sec. Manny Piñol sa Malacañang.

Nauna dito ay sinabi ni Duterte na gusto niyang mabawasan ang bureaucratic process lalo na sa pag-aangkat ng bigas sa bansa.

Sa nakaraang cabinet meeting noong isang linggo ay sinabi rin ng pangulo na bubuwagin na niya ang NFA council dahil dito nagmumula ang korapsyon partikular na sa pag-iisyu ng import permit para sa bigas.

Sinabi rin ng pangulo na mas magiging maayos ang sistema ng rice imporation sa pamamagitan ng tariffication dahil magbabayad ng tamang buwis ang mga negosyanteng magpapasok ng bigas sa bansa.

Noong isang linggo ay nagbitiw sa kanyang pwesto si NFA Administrator Jason Aquino sa gitna ng kontrobersiya sa kakapusan ng bigas sa mga pamilihan.

Lumutang rin ang ulat na si outgoing Philippine Army Commanding General Rolando Bautista ang itatalagang bagong pinuno ng NFA.

Ang NFA, PCA at FPA ay mga ahensiyang dating nasa ilalim ng Office of the Cabinet Secretary.

Read more...