1.9 Milyong katao nagpunta sa Manila North Cemetery

 

Photo by Chona Yu
Photo by Chona Yu

Umabot na sa 1.9 million na katao ang dumagsa sa Manila North Cemetery ngayong All Saint’s day.

Ayon sa Manila Police District, ang naturang bilang ay naitala alas kuwatro ng hapon.

Nasa dalawampu’t dalawang bagay naman ang mga nakumpiska mula sa mga taong papasok sa sementeryo.

Kabilang dito ang labing walong gardening tools at apat na flammable materials, na ipinagbabawal sa loob ng himlayan.

Inaasahang ng MPD na tataas pa ang estimated crowd hanggang mamayang gabi dahil marami pa rin ang hahabol, lalo’t bukas ay may pasok dahil hindi deklaradong holiday.

Read more...