Maayos na pamamahala sa ethics committee ipinangako ni Pacquiao

By Den Macaranas September 19, 2018 - 04:31 PM

Inquirer file photo

Binigyang-diin ni Sen. Manny Pacquiao na magiging parehas siya sa pagdinig sa mga reklamong isasampa sa kanyang komite laban sa mga kasamahang senador.

Ito ay makaraan siyang maitalaga bilang pinuno ng Senate Ethics Committee.

Sa regular session sa Senado kahapon ay tumayo si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri kung saan ay kanyang isinaman sa nomination ang pangalan ni Pacquiao na kaagad namang napagbotohan nang walang pagtutol.

Si Senate President Tito Sotto ang dating pinuno ng nasabing komite na pinalitan ni Pacquiao.

Isa sa mga nakahain na reklamo sa komite ay ang ethics complaint na isinampa ni Sen. Richard Gordon laban kay Sen. Antonio Trillanes IV.

Nag-ugat ang reklamo sa kanilang sagutan sa isa sa mga pagdinig ng Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Gordon.

TAGS: ethics committee, Pacquiao, senate, Sotto, zubiri, ethics committee, Pacquiao, senate, Sotto, zubiri

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.