Ubial kinasuhan ni Garin dahil sa Dengvaxia vaccine

By Alvin Barcelona September 19, 2018 - 04:15 PM

Sinampahan ng kaso sa Department of Justice ni dating Health Secretary Janette Garin ang kapalit niya sa DOH na si dating Sec. Paulyn Ubial.

Kasong reckless imprudence resulting to homicide ang isinampa ni Garin kay Ubial kaugnay ng pagkamatay ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia vaccine.

Iginiit ni Garin na ang pasya ni Ubial na gawing community based mula sa pagiging school-based ng dengue immunization program ay nagresulta sa mga napa-ulat na pagkasawi ng mga bata.

Sinabi din ni Garin na kasalanan ni Ubial kung bakit hindi nasunod ang protocol na pagkuha ng written consent bago ang pagturok ng bakuna.

Dagdag pa ni Garin, ang ginawa ni Ubial ay labag sa karaniwang global recomendation para sa school based immunization na nagpahina sa screening at monitoring na inilatag para sa kaligtasan ng recipient ng Dengvaxia.

Ang mga nasabing dahilan ay sapat na aniyang probable cause para sampahan si Ubial ng kasong paglabag sa Article 365 ng Revised Penal Code.

TAGS: Dengue, Dengvaxia, doh, DOJ, garin, ubial, Dengue, Dengvaxia, doh, DOJ, garin, ubial

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.