DTI pinag-aaralan na ang pagpapatupad ng price control

By Den Macaranas September 19, 2018 - 02:58 PM

Inquirer file photo

Posibleng magpatupad na ng price ceiling ang Department of Trade and Industry sa ilang mga bilihin.

Ito ay kung hindi pa rin mapipigil ng ilang mga inilatag na paraan ng DTI sa patuloy na pagtaas sa presyo ng ilang mga paninda sa mga pamilihan.

Ipinaliwanag ni Trade Sec. Ramon Lopez na pinag-aaralan nilang irekomenda sa pangulo ang price control para sa bigas, gulay, karne at isda.

Aminado ang kalihim na tumaas ang presyo ng mga ito dahil sa inflation at epekto ng nagdaang bagyong Ompong.

Sa paunang pagtaya ng Department of Agriculture ay aabot sa P14 Billion ang pinsala sa sektor ng agrikultura ng nagdaang bagyo.

Nilinaw ng DTI na hangga’t kakayanin ay hindi sila magpapatupad ng price control dahil tiyak na itatago lamang ng ilang mga tusong negosyante ang kanilang mga produkto. / Den

TAGS: BUsiness, Department of Agriculture, dti, Inflation, Ompong, price control, Ramon Lopez, BUsiness, Department of Agriculture, dti, Inflation, Ompong, price control, Ramon Lopez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.