Pagpapasara sa Manila Zoo ipinamamadali ng PAWS
Nanawagan sa pamahalaan ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS) na isara na ang operasyon ng Manila Zoo dahil sa napapabayaang kundisyon ng mga hayop doon.
Ito ang naging tugon ng PAWS makaraang mag-viral ang video ng isang lalaking leon sa loob ng Manila Zoo na dumanas ng seizure.
Bukod sa pagkakasakit ay kapuna-puna rin ang pamamayat at pagkakasakit ng mga hayop sa loob ng Manila Zoo ayon pa sa PAWS.
Imbes na sa loob ng zoo ay dapat maglaan ang pamahalaan ng sanctuary para sa mga ito.
Samantala, nilinaw naman ng pamunuan ng Manila Zoo na hindi napapabayaan ang mga hayop sa ilalim ng kanilang pagkalinga.
Ang lalaking leon na si Rapee na nakunan ng video na umano’y nagkaroon ng seizure ay dumanas lang ng stress dahil sa nagdaang bagyo ayon sa advisory na inilabas ng Manila Zoo.
Hindi rin umano underweight ang nasabing leon kasabay ng pagsasabing dumadaan sa tamang medical test at nutritional assessment ang mga hayop sa kanilang pangangalaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.