Opisyal sa Lanao del Sur, timbog sa P3M halaga ng shabu

By Jan Escosio September 19, 2018 - 01:27 PM

Photo credit: PDEA Region 10

Inaresto ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) si Lanao del Sur Board Member Hussein Magandia sa pagsalakay sa bahay nito sa Iligan City, Miyerkules ng umaga.

Sinabi ni PDEA Region 10 Dir. Wilkins Villanueva na inaresto rin nila ang misis ni Magandia na si Norhainah at si Marawi City Councilor Amienquallied Dimal.

Aniya, isinilbi nila ang serach warrant sa bahay ng mag-asawang Magandia sa Barangay Tubod bandang 5:30 ng madaling araw.

Sa paghalughog sa bahay ay nadiskubre ang kalahating kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon at isang baril.

Ayon kay Villanueva, si Magandia ay miyembro ng Iwaram Drug Group na nagpapakalat ng shabu sa Marawi City, Lanao del Sur at Lanao del Norte.

TAGS: Hussein Magandia, PDEA, shabu, Hussein Magandia, PDEA, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.