2 sundalo patay sa pagsalakay ng NPA sa Camarines Norte

November 01, 2015 - 04:56 PM

 

labo camarines norte
Mula sa google maps

Isang sundalo at isang miyembro ng CAFGU ang nasawi sa ginawang pagsalakay ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army sa Labo, Camarines Norte.

Kinilala ni Lt./Gen. Ricardo Visayas, pinuno ng Southern Luzon Command ng Armed Forces of the Philippines ang mga nasawi na sina Private Reymark Camilla na nakatalaga sa 49tn Infantry Battalion ng Philippine Army at Anthony Aceron, miyembro naman ng CAFGU na nakatalaga sa 22nd Infantry Battalion.

Lumalabas sa report na nagbabantay sa Namukanan Bridge project ang mga nasawi nang lumusob ang mga hindi mabilang na mga rebelde kagabi.

Natangay naman ng mga nagsitakas na NPA ang isang M14 armalite rifle at isang M16 rifle habang nakakumpiska naman ang mga sundalo ng isang M16 rifle mula sa mga rebelde.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.