Mga nakaligtas sa Benguet landslide, sumasailalim sa stress debriefing – DSWD
Sumasailalim na sa stress debriefing ang mga nakaligtas sa landslide sa Itogon, Benguet maging ang mga naulila ng mga nasawi sa trahedya.
Ito ang sinabi ni acting Social Welfare Secretary Virginia Orogo.
Aniya, nagpapatuloy din ang isinasagawang assessment ng kanilang social workers sa pangangailan ng mga apektadong pamilya.
Nakapagbigay na rin ang kagawaran ng family food packs, medical at family kits sa mga apektado.
Pinamamadali na rin ang pagpapalabas ng tulong-pinansiyal sa mga biktima.
Sa pinakahuling impormasyon, may 26,661 pamilya o 100,457 indibiduwal ang nananatili sa mga evacuation center sa Ilocos, Cagayan, Central Luzon, Calabarzon at Cordillera Regions.
Umaabot na rin sa higit P21 milyong halaga ng mga tulong ang naipalabas ng DSWD kaugnay sa pananalasa ng bagyong Ompong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.