Lorenzana, Mattis magpupulong para Ph-US defense ties

Photo credit: Embahada ng Pilipinas sa Washington DC

Nakatakdang talakayin nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at US Defense Secretary James Mattis ang defense cooperation sa pagitan ng Washington at Maynila sa Pentagon, USA.

Kinumpirma ang pagpupulong ng dalawang opisyal ng Embahada ng Pilipinas sa Washington DC at US Department of Defense.

Gayunman, hindi naman nagbigay ng karagdagang detalye ang mga ito.

Sa inilabas na video ng Pentagon, sinabi ni Lorenzana na nananatiling matibay ang alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ayon naman kay Mattis, ang alyansa ng Pilipinas at US ay base sa parehong pag-ibig sa kalayaan at demokrasya.

Read more...