33 kalsada, sarado pa rin sa mga motorista

Hindi pa rin maaaring daanan ang mahigit 33 kalsada sa Hilagang bahagi ng bansa.

Ito ay bunsod pa rin ng pananalasa ng Bagyong Ompong.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), sarado pa rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang 24 kalsada sa Cordillera Administrative Region (CAR), dalawa sa Region 1 at apat sa Region 3.

Hindi pa rin kasi tuluyang naiaalis ang mga rock debris, nahulog na mga puno, putik, nabiyak na mga kalye at natumbang mga poste rito.

Dahil dito, inabusihan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.

Sa mga papunta at paalis ng Baguio City, sinabi ng DPWH na iwasan ang Kennon Road at sa halip ay dumaan sa Marcos Highway.

Maliban sa Kennon Road, narito ang ilan pang kalsada na nananatiing sarado:
– Abra-Ilocos Norte Road
– Kabugao-Pudtol Luna-Cagayan Boundary Road
– Apayao-Ilocos Norte
– Mt. Province Boundary-Calanan-Pinukpuk-Abbut Road
– Kalinga-Abra Road

Sa Pampanga naman, sarado rin ang mga sumusunod dahil sa baha:
– Sto. Tomas-Minalin Road
– Baliwag-Candaba-Sta. Ana Road
– Candaba-San Miguel
– San Simon-Baliuag Road

Read more...